Paraan para mapaliit ang bilang ng mga road accidents at casualties na dulot nito!
Nag-file ng panibagong bill si Senator Grace Poe na nagre-require sa mga government agencies at Local Government Units (LGU) na mag-set up ng road at ibang public safety signs na sumusunod sa international standards.
Tinuturo ni Poe na ang mga ‘faulty and questionable’ signages ay patuloy na nagbabanta sa seguridad ng mga motorista at pedestrians. Idinagdag niya na kahit daw nasa pandemya na, hindi bumababa ang bilang ng road accidents kaya kailangan itong pagtuonan ng pansin.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 2293 (Public Safety Signages Accountability Act) mangunguna ang Department of Public Works and Highways sa pagsisiguro na mayroong maayos na public safety signs sa national roads, habang ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ang maniniguro sa mga kalsada ng Metro Manila, habang ang mga LGU ang mag-aalaga sa kanila.
Pinuna ni Poe na mayoong naitala ang MMDA na lagpas 65,000 road crashes na kumitil ng 337 lives noong 2020, at ito’y sa kabila ng pag-kaunti ng mga bumiya-biyahe dahil sa restrictions of mobility.