Para matiyak na hindi ito naipapasa at nagiging pabigat sa mga konsumer.
Itinawag sa pansin ni Senator Risa Hontiveros ang ‘questionable’ na gastusin ng National Grid Corporation Philippines (NGCP) na umabot pa ng PHP 4.4 Billion.
Sabi niya pa na gumastos ang NGCP ng ganitong halaga para lamang sa ‘representation and entertainment, advertising, public relations and professional fees for their so-called consultants’ mula noong taong 2009 hanggang 2020.
Dagdag niya pang katanungan ay kung, “Are these being included in the transmission charges and being passed on to the consumers every month?”
Hawak ng NGCP ang buong franchise ng pag-operate at pag-maintain ng power transmission grid sa buong bansa, at kanila ang responsibilidad ng sistemang pag-transmit ng kuryente mula planta papunta sa distribution utilities.
Nananawagan si Hontiveros na imbestigahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang posibleng pagpasa ng NGCP ng gastusing ito sa monthly bill ng mga konsyumer.
Ani ni Hontiveros, “One of the primary mandates of the ERC is to regulate the NGCP. Isa sa dapat tinitingnan ng ERC ay kung ang bilyun-bilyong gastos sa mga bagay na walang kinalaman sa transmission ay ipinapasa sa konsyumer through the transmission charge sa ating monthly bills.”