Para ligtas na makapamili ng lider ang mga Pilipino.
Sa isang pahayag naipaalam ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang hangarin niya na mabakunahan na ang lahat ng botante para sa paparating na Halalan 2022.
Ito’y inline sa goal ng administrasyon na makapagbakuna ng 50-70M na mga Pinoy sa pagtatapos ng taon.
Ang COMELEC umano’y wala pang naibabahaging guidelines kung paano idaraos ang Halalan 2022, dahil maaaring naghihintay lamang sila sa posibleng sitwasyon ng bansa sa harap ng pandemya.
Idinagdag ni Nograles na malamang sa 2022 ay mga kabataan na ang binabakunahan.