“Papaano naging un-Christian ‘yon? It was na innocent question.”

Hindi masaya si Manila Bishop Broderick Pabillo na pinangalanan ni presidential spokesperson Harry Roque na ‘un-Christian’ ang katanungan bakit siya na-admit kaagad sa PGH kahit na mayroong scarcity.

Nitong Sabado, ika-10 ng Abril naanunsyo na si Roque ay naadmit sa PGH para sa COVID-19 treatment niya. Ito ay sa kabila ng scarcity ng hospital beds ng naturang ospital, at ng iba pang ospital sa NCR+ bubble. Noong inatake siya ng mga netizens online paano nangyari ito, nagsabi lang siya ng, “With all due respect, that is an un-Christian question.”

Ani ng Bishop, “It was uncalled for na bansagan mo ang mga nagtatanong nang maayos naman at legitimate naman ang question. Hindi. Papaano naging ‘un-Christian’ ‘yon? It was na innocent question.”

Idinagdag pa ni Bishop Pabillo na dapat kung mayroong katanungan ang publiko’y sagutin ito ng mga government officials. Ani pa niya, “’Yan ang problema. Kapag nagtatanong, sa halip na sagutin, ad hominem ang kanilang sagot, titirahin ang nagtatanong. Hindi naman tama ‘yon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.