Pangalan ay ihahango kay Queen Elizabeth at kay Princess Diana!

Si Meghan Markle, ang itinuturing na Duchess of Sussex ng Britain, ay nanganak na sa ikalawa nilang supling ng asawang si Prince Harry.

Ang pangalan ng sanggol ay hinango kay Queen Elizabeth, at sa ina ni Prince Harry na si Princess Diana.

Si Lilibet ‘Lili’ Diana Mountbatten-Windsor ay isinilang noong Biyernes sa Santa Barbara Cottage Hospital. Matatandaang ang unang anak ng mag-asawa na si Archie ay isinilang noong 2019.

Ang pangalan ay tribute sa Queen, ang ‘Lilibet’ ay family nickname para sa 95-year-old monarch.

Ipinapababot ng Buckingham Palace na ang Queen, si Prince Charles, si Prince William at Kate ay delightef sa balita. Nakisali rin ang Prime Minister ng Britain na si Boris Johnson sa pagpapadala ng congratulations.

Sa official Twitter account ni William at Kate nag-post sila ng, “We are all delighted by the happy news of the arrival of baby Lili. Congratulations to Harry, Meghan and Archie.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.