Pangako ni Kris sa anak na si Bimby tungkol sa kanyang posibleng gender orientation

Sa isang madamdaming usapan sa pagitan ni Bimby at Kris Aquino na binahagi sa official Facebook page ng aktres, pinaaalalahanan niya ang anak na tatanggapin niya ito kahit ano man ang gender identity niya.
Parte ito ng pagdiriwang ng 14th birthday ni Bimby kung saan nag-release ng 2-part video si Kris na nagpalitan ng 7 questions sa isa’t-isa ang mag-ina.
Naungkat ang usapan ng gender orientation ni Bimby noong magtanong si Kris ng, “How do you feel, honestly, when you read those comments and they say you’re gay?”
Kung saan sinagot siya ni Bimby ng, “Wala, I don’t really feel anything. If you think I’m gay, alright. … I know what I am. I’m straight as an arrow.”
Bilang tugon dito, ipinaalala ni Kris sa anak na, “Whatever you are, I’ll accept. I really don’t care honestly. Whatever you choose to be, it will be fine with me as long as you excel.”
Noong nakaraang Marso lang nag-call out si Kris sa mga “homophobic” na retorts ng mga commenters sa sites niya kung saan marami ang may insulto’t komento sa sexual orientation ng anak.
Ang eksaktong pahayag ni Kris ay, “I know my son doesn’t identify as being gay, but in the event he ever does, he will still be my son. The bullying you are doing is a reflection of your homophobic attitudes that are no longer welcome in 2021.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.