Panawagan niya’y tugunan ang pangangailangan ng mga high-risk areas sa labas ng NCR+!

Binibigyan na naman ng pressure ni Senator Grace Poe ang pandemic task force ng gobyerno na dapat na raw magbigay ng angkop na suporta at resources sa Iloilo at iba pang mga ngayo’y high risk areas sa labas ng NCR+, bilang tugon sa paglobo ng mga kaso.

Nagpalabas ng pahayag noong Lunes si Poe na nananawagan sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na umakto na sa resource shortage ng Iloilo at iba pang naaapektuhan ng COVID-19 surge.

Kasabay nito’y ang kagustuhan niyang madagdagan ang mga bakunang natatanggap ng mga lugar na ito upang mapigilan ang pag-kalat ng virus at mapadali ang sistema ng healthcare ng mga LGU na hindi kasing updated ang facilities gaya ng nasa NCR+.

Ani ni Poe, “A number of hospitals in the provinces are gasping for air as COVID cases surge almost beyond their health system’s capacity.”

Idinagdag niya pa, “While there aren’t enough vaccines yet for everybody, those who need them most should get them first, including our people in the provinces like Iloilo.”

Ang pagtaas ng kaso sa mga lugar na ito’y ang dapat na go signal ng gobyerno upang idistribute ang mga bakuna ng mas mabilis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *