Panawagan niya’y singilin na ng PAGCOR ang PHP 1.36B utang ng POGO!
Nananawagan si Senator Risa Hontiveros sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na kolektahin na kaagad ang utang ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nagkakahalagang PHP 1.36B sa gobyerno.
Ipinuna niya pa bakit pinayagang umabot ng ganito kalaki ang utang nila at na kung nakapagbayad na’y huwag nang bigyan ng lisensya. Natanong pa ni Hontiveros, “Kung ang mga Pinoy nga na hindi makapagbayad ng upa, sinisingil kaagad. Samantalang ang POGOs, sobra-sobrang palugit ang binibigay?
Inalala niya rin kung paanong noong unang pumasok sa bansa ang mga POGO ay nagbaon ito ng pangakong investments at mas mataas na economic activity, ngunit hindi ito natupad at imbes ay nagdala lang ng kabi-kabilaang krimen at sakit sa ulo para sa Pilipinas.
Matapang niyang pahayag pa tungkol dito, “Bilyon na pala ang utang ng POGO, ang dami panh KRIMEN na pinasook sa Pilipinas. Magbayad na at umalis kayong lahat sa Pilipinas!”