Panawagan ni Hontiveros – “Tigilan na ang pagtanggap ng proposals galing sa Pharmally.”
Inulit ni Senator Risa Hontiveros ang matagal na niyang panawagan na, “The government should stop accepting proposals from Pharmally!”
Marami uamnong red flags ang kontrata ng gobyerno kasama ang Pharmally at nakakapagbukas ito ng katanungang – “Bakit nga ba bibili ng supplies sa mga shady companies na mayroong PUGANTE habang nasa pandemya?”
Binatikos niya ang Palasyo at binato ng, “Paano iyan maituturing na investment sa bansa kung mga Pilipino naman pala ang pinagkakitaan?”
Ipinuna niya pa na imbes na sila na ginagawang libangan ang ekonomiya ng bansa’y sana mga local manufacturers ang natulungan at nabigyan ng pagkakakitaan habang mas marami rin ang mabibigyan ng PPEs dahil sa murang halaga na makukuha mula sa mga ito.
Pahayag niya, “Kung may anomalya, dapat kasuhan. Kung may baho, dapat imbestigahan.”
Ipinaalala niya sa administrasyon, “Karapatan ng mga Pilipinong malaman kung maayos bang ginagastos ang pondo ng bayan.”
Banta niya pa, “Sisiguraduhin nating may mananagot kung may nagpamudmod ng COVID funds sa mga stock manipulators, pugante, at estapador.”