Pakiusap ng International Community na tigilan na ng military ng Myanmar ang pagpatay sa mga nang-protesta laban sa military coup nila
Mayroong 138 katao ang napatay ng Militar, ayon na rin sa tala ng United Nations.
Ang bilang na ito ay kinabibilangan ng mga ‘peaceful protesters’ at nagtala rin ng mga kabataan at kababaihan.
Nananawagan ang United Nations, kasama ang United States of America, China, at Britain na itigil na ng Myanmar military ang dahas at pagpapatay nito sa mga prumoprotesta laban sa ginawa nilang military coup sa civilian leader na si Aung San Suu Kyi.
Hanggang ngayon walang aksyon o opinyon na binitawan ang mga heneral ng Myanmar.
Nitong dumaang Linggo ang pinakamaraming naitalang patay matapos mabawian ng buhay ang hindi bababa sa 3 dosenang demonstrators na nakaengkwentro ng mga military na umaatake sa mga pro-democracy rallies.
Ang nangyaring pagpapatay ay hindi nagpatigil sa mga nagproprotesta, bagkus inulit nila ang rally noong Lunes at kumaharap na naman sa lethal na pwersa ng military.
Ang panawagan ng taumbayan ng Myanmar sa mga military ay sinuklian nila ng pagpapaputok ng bala at karahasan.