Paigtingin dapat ng financial institutions ang pagbibigay seguridad sa mga remittance at money transfers ng mga kababayang nasa ibang bansa!

Ipinagtutuunan ng pansin ni Senator Grace Poe ang ngayo’y pangangailangan ng dagdag proteksyon sa mga remittances at money transfers ng mga OFW sa Pilpinas.

Nananawagan siya sa mga financial institutions ng bansa gaya ng mga bangko, money transfer companies, at ang mga regulators nito na dagdagan ang proteksyon sa mga ito.

Mahalagang maipuna na lumabas sa Consumer Expectations Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong 96% na pamilyang tumatanggap ng remittances upang igastos sa pagkain at iba pang maaaring kailanganin ng tahanan.

Idiniin ni Poe na, “Krusyal ang perang padala ng mga OFW para maitawid ang kani-kanilang pamilya at ang ating ekonomiya sa gitna ng pandemya.”

Ipinuna niya rin na ang mga OFW remittances ay makakatulong sa pagpapagaan ng epekto ng mga pagbabago sa foreign investments sa bansa.

Paalala niya, “Mahalagang maprotektahan natin ang pera ng ating mga kababayan – hindi lamang ang padala nila mula sa ibang bansa kundi maging mga lokal na money transfer.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *