Pagsisikap ng Zero Hunger Task Force, nag-resulta sa pagbaba ng food poverty average sa Pilipinas.

Ipinaalam ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang Zero Hunger Task Force ay patuloy na nagtutukoy sa mga problemang may kinalaman sa pagkagutom at kung saan sila mas malala upang mabigyan ng mas malapit na atensyon.

Patuloy sila sa pagsasagawa ng aksyon upang maging affordable, accessible, at available ang pagkain upang mapanatili ang record-low self-rated food poverty figures.

Ani ni Nograles, “We note that self-rated food poverty for the month of May (32%) is close to the self-rated food poverty rate in 2020 (31%), given the limitations in livelihood as a result of pandemic restrictions.”

Ito raw ay ebidensya na nagsasabing dapat ipagpatuloy at pagbutihin ng gobyerno ang efforts nito upang mapatigil na ang malalalang epekto ng pagkagutom.

Idinagdag pa niya na ang pagkakabuo ng Zero Hunger Task Force at ang mga gawain ng Department of Agriculture ay nakatulong upang mas bumuti ang local food production at ito’y nagbigay ng positibong epekto sa pag-iwas ng pagtaas ng self-rated food povety rating kahit na mayroong lockdown.

Ani pa ni Nograles, “We have made some progress in addressing hunger, these figures indicate that we still have a lot of work to do.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *