Pagsagot sa penalty na babayarin ng mga drayber ang handog ni Moreno upang mapagaan ang pasanin ng mga ito lalo na ngayong sa panahon ng pandemya.
Binigyan ng amnestiya ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang libo-libong mga public at private transport drivers nakagawa ng penalties at traffic violations.
Ilan sa nilabag na batas-trapiko ng mga drayber ay ang “u turn”, “no left turn”, at pagwalang-bahala sa traffic lights.
Pinasalamatan din nito si Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na opisyal ng Manila City Council na nagsumite ng city ordinance para sa grant of amnesty sa mga traffic violators.
Pahayag pa ni Moreno, ang amnestiya na ito ay nagpapagaan sa pasan na responsibilidad ng mga drayber lalo na sa panahon ng pandemya na pinagkakasiya lamang ang kinikita sa araw-araw. Ilan sa mga ito ay umabot sa 600,000 ang halaga ng penalties na babayarin na lampas pa sa kanilang kinikita sa pamamasada. Babayaran pa rin ng mga drayber ang penalty sa first violation ngunit ang accompanying penalties, interests at surcharges ay sagot na ng Manila City Council.
Ito ay nagpapatunay na si Moreno ay isang compassionate at strikto na lider na ipinapatupad ang batas na may habag sa mahihirap at hindi kailanman gumagamit ng dahas sa mga nasasakupan nito. Siya ay kahawig ng isang strikto ngunit mapagmahal na magulang sa mga anak.