Pagmamalasakit ni Moreno sa mga Muslim, pinuri ni Samira Gutoc!

Puno ng papuri si Samira Gutoc kay Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa pinapakita nitong commitment at pagpapahalaga sa kapakanan ng mga Muslim communities sa Maynila.

Kasabay ng pag-papaunlad ni Moreno sa Maynila ay pinagsikapan din nitong mapahalagahan at mapabuti ang kapakanan ng mga kababayang Muslim. Pinagtuunan nito ng pansin na maipakita sa lahat ang papel ng mga Muslim sa kasaysayan ng Pilipinas.

Isa sa mga programang inilunsad ni Moreno ay ang kauna-unahang 2,400-metro-kwadradong sementeryo inilunsad para sa mga Muslim noong ika-7 ng Hunyo 2021.

Ibinahagi ni Gutoc na naway maging ehemplo ang tagumpay na nakamit ng Maynila sa Marawi na lubhang naapektuhan ng limang buwan na labanan ng pwersang panseguridad ng Pilipinas at ng militanteng grupo ng Islamic state. Tiwala siya na kung nagawa ni Moreno sa Maynila, magagawa din nito sa Marawi ang rehabilitasyon na aabot sa limang taon.

Puno ng dedikasyon si Moreno na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino lalo na ang Muslim communities kaya naman napakaraming sumusuporta sa kanya at isa na dito si Gutoc. Ipinahayag niGutoc na pinili niya si Moreno na maging kapartido dahil tiwala siya na maiintindihan nito ang hinanaing ng mga mahihirap at walang maiiwanan kapag si Moreno ang mamumuno sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *