Pagmalasakitan natin ang bawat isa, save as many as possible.’

Gustong ipaalam ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na, “Sa Maynila, kahit sino pwede, lahat ay welcome sa ating lungsod.”

Ipinababatid niya sa lahat na ang pamahalaang lungsod nila ay handa at willing tumugon sa mga pangangailangan ng kahit sino.

Nagpahatid ito ng direktiba sa Health Sector ng syudad na nagsasabing, “Bakunahan lahat ng pupunta kahit ‘di taga Maynila, bigyan ng gamot tulad ng Tocilizumab, ipasok sa ospital natin kahit ‘di taga Maynila.”

Siya na ang nagtakda na ipakita dapat ng #BagongMaynila ang tunay na diwa ng malasakit at bayanihan sa bawat isa.

Ani pa nito, “Kahit saan, kahit sino, yakapin natin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.