Pagluwag ng travel protocols, sanhi ng spike ng COVID-19 cases ayon kay Mayor Felipe!
Naniniwala ang mayor ng Dumaguete City na ang pagpapaluwag ng borders ng siyudad ang nasa likod ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Ani ni Mayor Felipe Remollo, “Natandaan niyo nagspike NCR+ 2 months ago. During that time, untimely, lumuwag din ang probinsya namin, meaning ‘yung travel protocols requiring RT-PCR tests for all travelers ni-lift ng gobyerno.”
Kasalukuyang mayroong 495 active COVID-19 cases ang Dumaguete, ngunit 40% nito’y nakatapos sa kanilang 14-day isolation period ayon na rin sa guidelines na ipinalabas ng DOH.
Mayroong 5 tertiary hospitals ang siyudad at nag-volunteer na ang mga doctor mag-administer ng 10,000 COVID-19 vaccines upang makatulong sa pagpapatigil ng virus transmission.
Idinagdag pa nito, “For the past 5 days full-force kami. Ang private doctors at nurses sama-sama sa vaccination.
Malalampasan natin ‘to basta tuloy-tuloy lang sa vaccination at enforcement ng protocols.”