Pagkakabangga ng isang motorsiklo sa tumatawid na mag-anak, nag-viral online!

Nag-viral sa social media ang video ng isang pamilyang natilapon dahil sa pagkakabangga ng motor sa mga ito noong ika-11 ng Marso.

Ipinakita ng CCTV video na ang pamilya ay tumatawid lamang ng kalsada at biglang nabangga ng isang humaharurot na motorsiklo. Dahil dito, natilapon ng nakatatanda ang bitbit nitong 10-buwang sanggol pati na rin ang pagkatilapon ng mga batang kasama niya.

Ang driver ng motorsiklo ay bumangon lamang at umalis kaagad pagkabangon.

Idinala sa ospital ang mga biktima at ang mga awtoridad naman ay patuloy na hinahanap ang driver ng motorsiklo na tumakbo sa mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *