Paghahanda para sa mga kalamidad, kailangang paigtingin.
Iniuulit ni Senator Grace Poe ang dati niyang panawagan na magtatag na ng Department of Disaster Resilience upang paghahanda na rin sa nagbabadyang pagsisimula ng typhoon season sa bansa, at ang patuloy na pagiging aktibo ng Taal Volcano habang naririto pa ang banta ng pandemya.
Maaalalang si Poe ay nagsulong sa SB124 na naglalayong magbuo ng Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management.
Ani ni Poe, “The situation of our vulnerable countrymen becomes more difficult in the face of calamities amid the pandemic. We must not lose time to efficiently plan and collaborate on disaster risk mitigation and management.”
Ang isinusulong niyang pagkakabuo ng nabanggit na departamento ay upang mabigyan ng angkop na leadership ang Pilipinas na mayroong accountability, at nang mabigyan ng agarang pansin ang disaster-prone na bansa.
Mainam malaman na mayroong aabot sa 20 bagyo na dumadaan sa bansa kada taon, pati na rin ang pagiging bahagi nito sa Pacific Ring of Fire na prone sa lindol at pagputok ng mga bulkan.
Idinadagdag ni Poe na, “We should transcend post-calamity coordination and undertake inclusive whole-of-society planning to lessen the impact of disasters and build resilient communities.”