Pagdami ng nagugutom sa pandemya, inantabayanan ng Atom Araullo specials.

Sa bagong episode ng Atom Araullo Specials documentary series ni Atom, ibinida nito ang papalalang sitwasyon ng kagutuman sa Pilipinas na napalakas ng pandemya.
Dahil sa patuloy na pag-sama ng kalagayan ng bansa sa harap ng pandemya, ang mga lockdowns na ini-impose ay nakaapekto sa panghahanap-buhay ng napakaraming pamilya na nabubuhay lamang dati sa same-day income.
Kinilala ni Atom ang ilang mga residente ng Tondo na dati’y nakasalalay sa pagkain ng ‘pagpag’ o food scraps ng mga kainan. Ang pagsara ng mga establisyimento sa kanila ay nagpahirap sa pamumuhay at pangkain nila sa araw-araw.
Ipinarating naman ni Atom na umaaksyon naman ang gobyerno kontra kagutuman sa tulong ng ‘Pilipinas Kontra Gutom’ na nagtatag ng Task Force on Zero Hunger na pinangungunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Ito ay malaking organisasyon na kinabibilangan ng gobyerno, pribadong sektor at mga Non-Government Organizations (NGO) na naghahangad nang mapatigil ang problema ng kagutuman sa bansa.
Ibinida ni Nograles ang mga aksyong kukunin ng samahan upang maresolba na nga ang problema ng kagutuman sa Pilipinas kay Atom sa isang interview nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *