Pagbebenta ng chicharron at mani para matustusan ang sariling pag-aaral, sinabak!
Isang 25-year-old ang nakatapos ng college na tinustusan lang ng kinikita niya sa chicharron at mani sa eskwelahan.
Ang bagong graduate na si Jemaima Joy Salas ay kinailangang mag-hanap ng paraan para masuportahan ang sarili, pagkatapos maghiwalay ang mga magulang at mamatay ang lolang sumusuporta sana sa pag-aaral niya.
Ani ni Jemaima, “I started selling nuts and eventually added chicharron so I can support myself because we have limited money and I have no one else but myself.”
Kada break at dismissal niya nagbebenta siya nito, at aniya’y swerte siya sa mga kaklaseng laging tumatangkilik sa mga baon niya.
Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa Laguna University at ngayo’y itinuturing na inspirasyon para sa ibang mga estudyante.
Payo ni Jemaima sa ibang mga estudyante, “You will encounter lots of obstacles but this is not a hindrance to reach your dreams. I was once in your place, scared to reach my goals, but I didn’t let it stop me.”