“Pag-ihi ko biglang nahinto, tapos ang sakit na naiyak ako.”

Ipinaalam ni Vice Ganda na hindi masyadong maganda ang kalagayan ng kanyang kalusugan sa ngayon.

Naibalita niya ito sa madlang pipol na may kinakaharap siya tungkol sa kanyang health at na madalas nang naapektuhan ang kanyang trabaho dahil dito.

Isa ito sa mga dahilan niya kung bakit nahihirapan pa siyang mag-desisyon kung hahamunin niya ang sarili sa pagkakaroon ng baby.

Bumalik na naman daw ang sakit niya sa bato na napansin niya lang habang nagtra-trabaho. Nag-CR lang sana si Vice at habang umiihi’y nakaramdam nalang ng matinding sakit.

Ani ng komedyante, “Pag-ihi ko biglang nahinto. Tapos ang sakit na naiyak ako. Tapos biglang naihi na naman siya. Parang may nakabara.”

Naalarma siya sa nangyari at nagpatingin sa doktor, kung saan niya natagpuang may crystals na namang nabubuo sa katawan.

Ipinagtataka raw ito ni Vice dahil maingat na siya sa kinakain niya, at na malakas na ito uminom ng tubig.

Ngunit payo na rin ng doktor niya, baka raw siya’y natural na ‘stone former’ kaya kinakailangan talagang madalas magpa-checkup.

Leave a Reply

Your email address will not be published.