Paalala sa mga nagbebenta ng bakuna at slots, pwede kayong makulong.
Binalaan ng Malacañang ang mga nagbebenta ng vaccines at vaccine slots na haharap sila ng mga criminal charges dahil dito. Ipinaalala rin sa mga LGU na ang priority list ng vaccination program ay dapat sundin.
Ani naman ni presidential spokesman Harry Roque na ang Covid-19 vaccines ay hindi pa available for commercial use dahil hindi pa tapos ang stage 4 clinical trial ng mga ito.
Binalaan din ni Roque ang mga nabanggit na offenders, “If you are caught selling vaccines that are not authorized for commercial use, you may be jailed as provided by the law that created the Food and Drug administration of the Philippines.”
Iniimbestigahan ng PNP at NBI ang mga ulat na nagkakalat online tungkol dito.
Nakatanggap ng ulat si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na mayroon dawng nagbebenta ng bakuna at slots na aabot sa PHP 10,000 at PHP 15,000 depende sa brand.
Magkakaroon ng meeting ang mga mayor ng Metro Manila upang hanapan ng solusyon ang isyu.