Paalala ni Poe, ayusin ang sistema ng record keeping ng impormasyon upang iwas abuso!
Ipinaalala ni Senator Grace Poe sa mga Local Government Units (LGUs) na magtatag ng mapagkakatiwalaang sistema ng pag-record keeping sa mga vaccination cards issuance nila.
Aniya sa isang pahayag, “As the rollout of the vaccines against COVID-19 gathers pace, we trust that local government units have installed a reliable system in place to identify those who have been inoculated against the virus.
Naglipana na ang mga notice sa polisya sa posibleng paggamit ng pekeng vaccination cards bunsod ng pagpapa-luwag ng gobyerno sa interzonal travel para sa mga nabakunahan na kontra sa virus.
Naghahanda na umano ang polisya sa mga pekeng vaccine cards, lalo na’t mayroong pekeng RT-PCR tests dati.
Ipinaalala naman ni Poe na ang vaccine cards na physical copy ay may integridad at proteksyon laban sa posibleng manipulasyon at abuso, ngunit ang isang standard digital certificate para sa bansa’y ideal.
Iginigiit pa nitong, “The vaccine cards will play a key role in reestablishing our global connectivity, facilitating travels and employment and reviving th economy to help our people turn the corner.”
Maaalalang noong Enero ay nag-file ito na magkaroon ng vaccine passports and mga Pinoy bilang patunay na sila’y nabakunahan na nga, at na dapat ito’y authhorized ng Health Secretary.