On discussion na sa mga myembro ng IATF kung magdadaos nga ba ng Season 46 ang PBA!
Ang kinikinitang opening ng PBA Season 46 ay ngayo’y nakasalalay nalang sa Inter-Agency Task Force (IATF) na pinangungunahan nila Cabinet Secretary Karlo Nograles at Health Secretary Francisco Duque.
Nitong Lunes nagsumite ang PBA Commissioner’s Office ng position papers sa IATF, na mabilis nilang natugunan na nagsasabing ang PBA plan ay calendared na kabilang na sa pag-uusapan ng IATF.
Hopeful ngayon si PBA Commissioner Willie Marcial na sila’y papayagang mag-hold ng second tournament matapos ang Clark bubble ng nakaraang ton.
Ang napapaloob sa position papers na isinumite ng organisasyon ay ang portfolio nila, at nine-page roll ng protocols na iiimplementa ng liga sa plinaplanong Philippine Cup.
Idinagdag pa ni Marcial, “We presented the success of the last all-Filipino tourney where we’re able to protect the integrity of the bubble. And we cited the ongoing team practices and scrimmages where COVID cases have been minimal to none.”