Noong bago palang umano sa industriya si Moira, nakitira umano ito sa condo unit ng kaibigang si Sam Milby!

Sa isang panayam kasama si Toni Gonzaga inamin ni Moira dela Torre na noon ay nakalive-in na nito ang batikang actor na si Sam Milby.
Nalaman umano ni Toni ito kay Sam mismo na nagsabing, “You should hear this singer Moira, she’s so good Toni.”
Nang itinanong daw ni Toni kung nasaan si Moira ngayon inamin ni Sam na, “She actually lives in my condo right now because she has no place to stay pa.”
Ipinaliwanag ni Moira na magkapatid ang turingan nilang dalawa ng actor at na noon ay hindi pinabayaan ni Sam mapagisa si Moira dahil sa mental state nito.
Ani ni Moira, “Si Kuya Sam, he’s really protective since wala akong family sa Manila. Tapos wala yung family niya sa Manila at that time. Kami yung naging family.”
Idinagdag ni Moira na, “Up to this day, he’s really like my brother. Ako yung wing man niya sa lahat ng mga naging ex niya. Hahaha!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.