Noong baa pa siya, kinidnap siya ni Kuya Mon, tapos ngayon asawa na siya’t binubugbog!

Aliw ang bagong Instagram story ni Shaina Magdayao kasama ang batikang aktor na si Mon Confiado.

Binahagi nito ang dating project nila noong bata pa siya, ang pag-kidnap at pambugbog nito para sa teleseryeng Marinella. Ngayon daw, asawa na niya si Kuya Mon sa MMK, at binubugbog pa rin siya nito!

Marami ang nag-react sa maintriga pero feel good na post ni Shaina tungkol kay Mon, at ngayon marami pa ang umaabang sa posibleng tambalan ng dalawa!

Ani mismo ni Shaina, “Dati, nung bata ako sa Marinella, kinikidnap mo ako at binubugbog. Ngayon sa MMK, asawa n akita pero binubugbog mo pa din ako.”

Bago dito, binahagi ni Shaina ang paghanga kay Mon na isa raw sa pinakamagaling at pinaka-propesyonal na nakatrabaho niya sa show business.

Leave a Reply

Your email address will not be published.