Nograles: Target magkaroon ng 15k Telco towers sa 3 taon lamang!
Tinatarget umano ng gobyernong makapagpatayo ng 15,000 dagdag na Telco towers sa loob lamang ng susunod na 3 taon, ani ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Idinagdag pa niya, “Government also plans to continue fast-tracking program and projects such as the National Broadband Program, the Free WIFI for all program, and the National Government Data Center.”
Ayon sa datos na ibinahagi ng Department of Information and Communications Technology, kasalukuyang may backlogs na 50,000 na telco towers ng Pilipinas kung ikukumpara sa mga kapitbahay na miyembro ng ASEAN.
Marami umanong programa ang pamahalaan upang matugunan ang mga problema’t pangangailangan ng mga Filipino sa internet.