Nitong Valentine’s Day pinakita ni CabSec Karlo Nograles na ang mga jokes, parte talaga ng isang relasyon

Nitong Valentine’s Day ipinakita ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang mga jokes sa pagitan ng mag-partner ay parte talaga ng isang masiyahing relasyon.

Sa pinakahuling post nito sa Instagram, nagpamalas ng mga pick-up lines si Nograles sa kanyang asawang si Marga.

Nakasuot pa ang dalawa ng matching red outfits noong ni-record ang video sa Instagram na nagdidiwang sa Araw ng mga Puso.

Sa video, pinakita ang palitan ng dalawa. Ani pa nila,

Karlo: Pechay ka ba?
Marga: Bakit?
Karlo: Kasi pechay na pechay ako sa iyo.

Mayroong puzzled look si Marga bilang reaksyon sa pick-up line na ito, siguro’y naguguluhan kung ito ba’y corny o nakakalito. Tumawa naman si Karlo sa sarili.

Binigyan niya ito ng caption na, “Thankful to have a wife na laging game sa kakulitan ko. Haha. Happy Valentine’s Day everyone!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.