Nitong June 26 nakatungtong ulit ng Pilipinas ang mga biktimang umabot na ng 3 taon sa Philippine Embassy shelter!
Ang mga natitirang trafficking survivors sa Syria ay nakauwi na sa bansa habang ang mga traffickers at recruiter na nagdala sa kanila sa ganoong sitwasyon ay kumakaharap ng human trafficking cases na, anunsyo ng Philippine Embassy na naka-estasyon sa Syria.
Matatandaang ang cause na ito’y matagal nang ipinaglalaban at pinagtutuunan ng pansin ni Senator Risa Hontiveros, at ngayon maituturing itong tagumpay sa panig ng mga biktimang nakawala na sa hawla ng sitwasyong nagbiktima sa kanila.
Ang pag-uwi ng 22 Filipino trafficking survivors ay nag-resulta sa pagkaka-‘empty out’ ng embassy shelter sa unang pagkakataon.
Lumiban ang mga ito sa Syria noong June 24, at dumating sa Pilipinas noong June 26.
Marami sa mga ito ay nanatili sa shelter ng aabot sa 3 taon matapos maka-engkwentro ng isyu sa pagkakaroon ng exit visas mula sa mga amo nila’t recruitment agency.
Isa sa mga biktima’y nagsabing, “At last we’re going home. We thought we had no more hope being able to go home.”
Marami sa mga ito ay binigyan ng presidential pardon matapos ang mga akusasyon sa kanilang sila’y nagnakaw at tumakas mula sa mga amo.