Nirekomenda na ng Senado kay Parlade na mag-resign ito mula sa posisyon dahil sa red-tagging ng ahensya
Walang intensyong mag-resign ang spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. kahit na iginigiit ito ng Senado sa kanya.
“Very good, welcome ‘yan. Makes my job easier. But it’s just a recommendation and it’s the executive branch who will decide on it. It’s up to them,” ang tanging response ni Parlade sa Senado.
Ang rekomendasyon ng Senado ay nagsasabing, “Consistent with the aforementioned constitutional provision and as a matter of policy, we recommend that Lt. Gen. Parlade be immediately relieved of his duties as spokesperson of NTF-ELCAC.”
Ang mga komento umano ni Parlade tungkol sa mga nared-tag nila ay nagdala lamang ng masamang imahe sa anti-insurgency campaign at Anti-Terror Law ng gobyerno.