Ninanais niyang mapaunlad ang bayan, at hindi dapat mapag-iwanan ang ating mga alaga!

Kilala at hinahangaan na ng lahat si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa serbisyong ibinahagi nito sa publiko. Batid ng marami ang mga aksyong kanyang ginawa at ang pagbabagong nangyari sa Maynila simula ng maupo ito bilang alkalde ng lungsod.

Ngunit hindi lang ang kapakanan ng mamamayan ang pinagtutuunan ng pansin ni Moreno, prayoridad din nito ang kapakanan ng lahat ng hayop. Ayon sa kanya, bahagi ng pamilya kung maituturing ang ating mga minamahal na alaga. Kaya naman ilang mga #BilisKilos na programa ang inilunsad nito para matiyak na malusog at protektado laban sa mga sakit ang mga alaga lalo na ang mga furbabies.

Kasama ang Manila LGU at Veterinary Inspection Board (VIB), regular at libreng check-ups, free anti-rabies vaccine, deworming, and free spay and neuter ang ibinahagi nila sa iba’t-ibang parte ng Maynila.

Kaisa talaga si Moreno sa pangangalaga sa kapakanan ng mga hayop. Isinusulong din niya na mapabuti at maprotektahan ang mga hayop, katulad ng pagmamalasakit nito sa kapakanan ng mga mamamayan at ng bansa. Tunay na nagmamalasakit si Moreno sa lahat kaya naman tiwala ang taong-bayan na maayos niyang mapamumunuan ang bansa at mapapabuti nito ang estado hindi lang ng mga hayop, kundi pati na ang estado ng mga Pilipino at ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *