Ni-rush papuntang emergency room ang isang healthcare worker ng Veterans Memorial Medical Center sa Q.C. matapos mabakunahan ng Sinovac at makaramdam ng panghihilo.
Sa kakalunsad ng vaccination program ng bansa laban sa COVID-19, isang healthcare worker ng Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ang nakaramdam ng panghihilo at ni-rush sa emergency room matapos mabakunahan ng Sinovac nitong Lunes lamang. Ayon sa kay Dr. Ramon Mora ng VMMC, anxious na ‘di umano ang healthcare worker na maaaring nagcontribute sa kanyang kondisyon. Lahat rin ng vital signs ng mga healthcare worker ay minomonitor bago sila mabakunahan.
Ayon naman sa World Health Organization, ilan sa mga individuals ay maaaring makaramdam ng immunity anxiety-related reaction katulad ng hyperventilation, fainting, pagsusuka, at convulsion.
Sinabi rin ng FDA chief Usec. Eric Domingo na lahat ng magpapabakuna ay kukunan ng medical history, at ang mga gamut na kasalukuyan nilang iniinom. Mag-uundergo din sila ng physical test para matignan ang kanilang blood pressure, pulse rate, at oxygen saturation. At iilan sa mga individuals ay tumataas ang blood pressure dahil sa anxiety o takot sa injection.