Ni-link ang mga miyembro ng unang Community Pantry ng bansa sa grupo ng komunistang rebelde, at dahil dito, hindi sila magbubukas muna

Napilitan ang Maginhawa Community Pantry ng Quezon City mag-sara ngayong araw upang masiguro ang kaligtasan ng mga volunteers nitong nabiktima ng pangrered-tag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, na nagsabing kaugnay sila ng ilang mga komunistang rebelde.

Inanunsyo ni Ana Patricia Non, ang organizer ng community pantry, “Malungkot po dahil hindi muna maipapamahagi ang goods na inihanda naming buong maghapon dahil po sa red-tagging na nagaganap.
Mabigat sa pakiramdam ko kasi maganda po ang intentions ko noong binuo ko ang community pantry at ilang araw na rin po na napakaraming pinagsisilbihan nito at ganoon din po ang tulong na dumadating.”

Noong nagsisimula pa lang ang pagkalat ng Community Pantries sa bansa, kinakatakot ng ilang grupo na baka masamain ito at i-link sa mga communist rebels, na nagkatotoo na nga.

Nag-share ang NTF-ELCAC ng post na naghihikayat sa usaping pinangungunahan nga ng CPP-NPA ang mga community pantries.

Natatakot na raw si Non para sa kanyang kaligtasan at nanawagan na, “Humihingi din po ako ng tulong kay Mayor Joy Belmonte tungkol sa usapin na ito. Lalo na po ay hiningi po ng tatlong pulis ang number ko at tinatanong po kung anong organisasyon ko.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *