Netizens pinagtawanan ang pagpapababa ng height requirement sa pagpu-Pulis, isali daw ang timbang!

Pinagkaguluhan ng mga netizens sa Facebook ang isang post tungkol sa pagpapababa ng Height Requirement para sa mga gustong maging Police.

Panawagan ng mga ito na isali ang timbang ng mga miyembro ng organisasyon sa ipababa dahil umano magmumukha itong mga ‘gasul’ dahil na rin sa asul na uniporme.

Halo-halo ang opinyon ng mga netizens, mayroong ibang nagsasabing, “Hindi iyan ang importante kundi ang Mentally fit dapat at pasado sa psychiatric test at hindi sa padrino.”

Habang ang iba naman ay nagsasabing, “Dapat ang i-lower ay ang corruption rate na talamak sa mga kapulisan ng bansa.”

Ngunit nangibabaw ang mga komentong ginawang nakakatawang isyu ang ulat, na nagsasabing sila ay dapat may weight requirement din dapat upang siguradong makahuli ng masasamang loob.

Isa sa mga komentong mayroong maraming reaksyon sa kapwa netizens ay nanggaling kay Neil na nagsabing, “Dapat pati weight. Pandak na nga, mataba pa. Tapos magsusuot ng blue na uniporme? Mukha na kayong gasul.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.