Netizen na nag-order ng 3-layered cake, gusto lang magbayad ng PHP 1,200. Nang hindi makontento sa mismong cake, sinoli!

“Hindi pa ba enough ang PHP 1,200 na price para rito?”
Ito ang tanong ni Irene Balangiao Fernandez matapos ang insidenteng nangyari sa cake business ng anak nito.
Diumano, may kliyenteng gusto ng 3-layered chocolate cake sa halagang PHP 1,200 lamang. Ngunit ang presyong ito ay hindi sapat para sa kanyang anak dahil malulugi umano sila.
Ani naman ng kliyente, “Okay lang na simple.”

Tinanggap daw ito ng anak niya at ginawan na ng cake. Nilagyan ito ng maayos na mga kandila at design ngunit nagreklamo ang kliyente na maliit lang ito masyado at sinoli ang cake.

Ibinalik ng cake maker ang PHP 1,200 na ibinayad ng kliyente at binawi ang cake.

Leave a Reply

Your email address will not be published.