Neri Naig, pinatunayan sa asawa na kayang abutin ang pangarap kahit na ang bansa’y nasa pandemya
Pinatunayan ulit ni Neri Naig kay Chito Miranda na hangga’t may tiyaga at tiwala, kayang abutin ang pangarap sa kasagsagan ng pandemya.
Sa Instagram account ni Chito ibinahagi nito ang recent achievement ni Neri, ang pagbili ng bagong property na aniya, kinabahan pa siya dahil baka ito raw ang magbaon sa kanila sa utang.
Ani ni Chito, “Bilib na bilib talaga ako. Initially, I was honestly unsure kung kaya niya bang bayaran ito, and I kept on reminding her to really think about it first, at aralin niya muna ‘yung financial capacity at capability niya.
Ayokong ma-stress siya at mas lalong ayaw ko na mabaong siya sa utang.”
Pinag-aralan umanong maigi ni neri ang cash inflows nito mula sa kinikita at sa mga negosyo’t online businesses nito. Nakiusap din ito sa pinagbilhan ng lupain kung maaari bang hulugan ang bayad sa property at pumayag sila rito.
October 2020 raw natapos bayaran ni Nei ang payment process ng property. Balak umano ng mag-asawa taniman ito ng iba’t ibang puno at halaman, at magtatayo rin sila ng bahay kubo bilang pahingahan ng pamilya.
Bilang pagtatapos ni Chito sa post, nagpahayag ulit ito ng paghanga sa asawa.
Ani niya, “Again, she showed me how it should be done: Dream big. Work hard. Focus on your goals, and never give up.”