NEDA Chief: Online Registration, bukas na sa April 30!

Inanunsyo ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua na ang pag-apply sa National ID System ng bansa ay magbubukas na online.

Isasapubliko na ng ahensya ang online system nila na makakakuha ng akmang data mula sa mga mamamayan.

Ngunit ang mga aplikanteng magrerehistro online ay kailangan pa ring pumunta sa kanilang registration centers para sa kanilang biometrics at pagbubukas ng sariling bank accounts.

Matutulungan umano ng National ID ang tracking ng vaccination sa mga citizens pati na ang mga posibleng financial aid distribution.

Leave a Reply

Your email address will not be published.