Natural’ ang suporta ng mga miyembro dahil siya’y Duterte, at anak ng Pangulo! Hindi kailangang maging miyembro ng party para makakuha ng suporta!

Ang mga miyembro umano ng PDP-Laban ay ‘naturally inclined’ ng sumuporta kay Davao City Mayor Sara Duterte kung tatakbo man ito sa Halalan 2022, ani ni Cabinet Secretary at PDP-Laban member Karlo Nograles.

Ang komentong ito’y naisagawa niya matapos mag-anunsyo si Sara na hindi siya sasali sa PDP-Laban party ng ama. Mananatili umano ito sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ng Davao Region.

Dagdag pa ni Nograles, “She is a Duterte. She is the daughter of the President. There will always be that natural inclination to support Mayor Sara in whatever decision she makes.”

Hindi umano kailangang maging miyembro ng PDP-Laban ang isang kandidato upang makakuha ng suporta galing sa grupo. Gaya nito, kung ang buong party naman daw nila’y gustong sumuporta kay Sara sa takbo nito pagla-Presidente, makakatanggap ito ng suporta.

Sa ngayon daw ay naghihintay lamang sila sa desisyon at rekomendasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ito ang tiyak na susuportahan ng buong alyansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.