Nasa mga bangko ang responsibilidad ng pagsisigurong ang mga transaksyon ng publiko’y protektado at sigurado.
Ipinapanawagan ni Grace Poe sa mga bangko ng bansa na maging responsable sa mga operasyon ng kanilang magiging ‘cash agents’ upang masigurong ang publikong gagamit sa serbisyong ito ay mayroong protektado at siguradong mga transaksyon, lalo na dahil madalas dito’y magiging padala ng mga magkakamag-anak sa kasagsagan ng pandemya.
Mainam tandaan na si Poe ay naglalayong maisapasa ang, ‘Bangko sa Baryo Act’ na makapagdadala ng banking services ng mga syudad sa mga rural areas ng bansa, lalo na ang mga baryo.
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nagtutulak ng programang makapagbibigay ng financial inclusion para sa mga probinsya ng bansa nang makapag-expand sila ng service sa pamamagitan ng ‘cash agents.’
Ani ni Poe, “Many of our countrymen are intimidated to go to banks, that’s why there’s this informal economy and underground lenders. Even if the terms aren’t good, they gravitate towards them out of familiarity.”
At ito ang gustong maresolba gamit ang bills na hinahain, “They want the amount remitted by OFWs to be free from exorbitant, if not usurious interest rates, and prohibitive banking fees.”
Ayon sa BSP, mayroong 17,000 cash agents ang bansa na nagbibigay banking services sa 79% ng populasyon ng Pilipinas. Idinagdag pa nito na mayroon nang 13 bangko ang nakipagkontrata na ng cash agent operations.
Pagdidiin ni Poe, “We must ensure full accountability as we seek to institutionalize the inclusion of cash agents in serving the unbanked.”