Napilay ang nauna sa laro nilang badminton noong Holy Week, at ito na ang bagong pagkakaabalahan niya!
Matapos mapilay ang nobyong si Ion Perez dahil sa badminton game nila noong Holy Week, sinurpresa ito ni Vice Ganda ng isang sought-after gaming console system upang hindi mabagot.
“Naawa ako kasi si Ion syempre ang buhay lang naman niya magbisikleta o kaya dun sa gym niya, workout, workout siya. Eh kas inga di ba nag ECQ, di siya nakakalabas,” kwento ni Vice.
Idinagdag nito na concerned siya dahil mahirap labanan ang boredom habang nasa lockdown, kaya hangga’t maaari gusto niyang mapasaya ang nobyo.
Binilhan ni Vice Ganda si Ion ng Playstation 5, kahit di raw ito kahiligan ng huli, para maging libangan muna niya habang naka-saklay pa.
Inamin ni Vice, “’Pag mahal mo ‘yung tao di ka papaya na makitang malungkot siya. Di naman magsasabi ‘yan eh. Makikita ko, mararamdaman ko, pero ‘di ‘yan magsasabi.”
Pagkakita ni Ion sa surpresa, na-excite umano ito at agad-agad nagpatulong upang ma-setup na ang bago niyang libangan.