Napatunayang hindi nila anak ang mga sanggol na nasangkot sa Rizal baby-switching incident na kinuhanan na ng DNA tests.
Ang DNA tests na kinuha ng dalawang inang nanganak sa isang ospital sa Rizal ay nagpatunay nga ang dinala nga nilang ‘anak’ pauwi ay hindi kanila.
Sila April at Marvin Sifiata ay nagsuspetsa kaagad na mayroong naging problema sa anak na inuwi nila.
Ang litrato ni April kasama ang anak nito matapos manganak at ang batang naibigay sa kanila ay naiiba ang itsura. Idinagdag pa nila na ang pangalan at ang date sa tag ng sanggol ay magkaiba.
Habang ang mag-pares din na sila Margareth Traballo at Kim Jasper Mulleno ay natulungan ng KMJS na malamang ang inuwi nilang sanggol ay hindi kanila matapos ang isa ring DNA test.
Nagbabalak ulit ang palabas na tulungan ang dalawang magka-pares upang matukoy kung nag-palit ba sila ng mga anak.
Ang mga magulang naman ay nagsabing ang gusto lang nilang mangyari ay maibalik ang kanilang anak sa kanila.
Sa kasalukuyan, wala pang pahayag ang ospital na may kinalaman sa insidente.