Napangakong ayuda ng IATF at ni Karlo Nograles, nasa mga LGU na!
Ang dating kinababahalang pagdating ng mga ayuda para sa mga residente na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay makakatanggap na sa kanilang ayuda. Ito’y naaayon na rin sa naunang ipinangako ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Kasalukuyan nang idinadaos ng mga siyudad sa Metro Manila ang pamamahagi sa PHP 1,000 ayuda/residente dahil ito ang kasalukuyang umiiral na cash aid template.
Ngunit mayroon lamang maximum na PHP 4,000 ang matatanggap ng isang pamilya na may higit sa apat na miyembro.
Mayroong ibang LGU na isinabay ang pamamahagi ng ayuda sa pagbabakuna upang makahikayat ng mga residenteng mabakunahan na.
Mahigpit na ipinatutupad ng mga LGU ang mga health protocols para masigurong sa proseso ng pagtatanggap ng tulong ay maiwasan ang hawaan.