Napagtripan ng mag-jowa ang kanilang kasambahay at nagpanggap na nag-away para makita ang reaksyon nito!

Magjowang Vice Ganda at Ion, pinagtripan ang mga kapitbahay.

Sa pinakahuling YouTube video ni Vice nabida ang ginawang prank sa mga kasambahay. Ipinaalam na ng dalawa sa unang minuto ng video na sila nga’y nantri-trip lamang at ito’y harmless prank.

Ipinakita kalaunan sa video ang naganap na alitan sa pagitan ng mag-jowa habang kumakain sa hapag, at nandoon din ang mga kasambahay.

Umakto pa ang dalawa na nagkapisikalan sila’t nagbabatuhan ng gamit, at ito na ang ikinaiyak ng mga kasambahay niya.

Noong nag-‘walk out’ na si Vice, nakita niya ang mga kasambahay na humihikbi at ito na ang nagpatigil sa kanya sa prank na ginagawa.

Nag-sorry siya sa mga ito at niyakap niya dahil sobrang apektado nila sa nangyari.

Leave a Reply

Your email address will not be published.