Napagkamalan na naman ng mga haters ni Robredo ang ibang tao bilang siya, matapos mag-viral ang litrato ng babaeng binabakunahan pero hindi inangat ang manggas.
Ipinaalam na ni Vice President Leni Robredo na hindi siya ang nasa loob ng litratong nag-viral sa Social Media.
Ang litrato ay nagbibida ng isang babaeng kahawig ni Robredo na naka-mask at tinuturukan ng bakuna. Ang maling itinuturo ng mga administration supporters ay ang pagkababa pa rin ng manggas/sleeves nito kahit na tinuturukan nga.
Ayon sa Facebook post ni Robredo, “This is ridiculously funny. That’s not me. I didn’t want to react, but so many sent me screenshots. If you’re not busy, please just report it.” At dinagdagan niya ito ng face-palm emoji.
Ang screenshots umanong natanggap ni Robredo ay ang nag-viral na litratong nabanggit at pinapahiwatig na nagpa-bakuna lamang ‘just for show.’
Kasali sa Facebook Post ang pagkilala sa babae sa litrato, ani ng post, “Was told that the lady in the picture is Dr. Flordeliza Grana, a pediatric surgeon at the Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) and she was wearing a ‘bakuna’ blouse – sleeves with slits.”
Naglagay pa siya ng, “P.S. Sorry, Dra. Nadamay ka pa tuloy.”