Nanguna ang dalawa dahil sila ang pinaka-matunog sa social media!

Lumabas na nangunguna si Mayor Isko Moreno Domangoso at Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa most influential list ng potential candidates para sa pagka-Presidente at Bise Presidente ngayong parating na 2022 Halalan.

Si Domangoso ay mayroong overall social media influence na 39%, habang si Pacquiao naman ay lumabas na mayroong 37%.

Ani pa ng WR Numero na ang dalawa’y mayroong aktibong personal Facebook pages at regular na pinag-uusapan ng masa sa mainstream at alternative media.

Sa parehong lista nakitang si Antonio ‘Sonny’ Trillanes ay nalista sa least influential, dahil sa score niyang -6.69%, na sanhi ng paulit-ulit na negatibong feedback galing sa netizens.

Para naman sa mga potential senators-to-be sa Halalan 2022 naman ay nanguna si DPWH Sec. Mark Villar na mayroong score ng 34%, na sinundan ni Sen. Risa Hontiveros na may 15%.

Ang research na ito’y gumamit ng data at sentiment analytics mula sa social media ng 3 posibleng data sources, ang mainstream news, alternative news, at official pages ng mga nabanggit na personalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.