Nangako si Moreno na pagbubutihin niya pa ang mga serbisyo sa mga OFWs upang matutukan at masolusyonan ang kanilang mga suliranin.
Pinangakuan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa isang online forum, kasama ang Filipino-American community, nitong Oktubre 27 ang mga OFW na mabibigyan sila ng mas maayos at epektibong serbisyo para matugonan ang kanilang mga pangangailangan.
Sisimulan niya ito sa pamamagitan ng pag-ayos sa mga appointments ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) officials. Ipinarating ni Moreno na ang mga officials na makakatugon sa mga hinanaing ng mga OFWs at ang mga nakakausap lamang nila ang karapat-dapat na mai-appoint bilang officials sa POLO.
“Naging turista yung POLO officer natin, na yung mga na-appoint hindi na yung mga career officer, parang yung walang ka-ide-idea” aniya ni Moreno.
Titiyakin din ni Moreno na mas lalong magpapalaganap ang awareness sa Overseas Filipino Bank (OFBank) upang matulungan ang mga kababayan nating OFW sa investing at financing.
Ipinahayag ni Moreno na pinapahalagahan niya ang mga OFWs sapagkat malaki ang kanilang kontribusyon sa Pilipinas. Nakatulong sila sa ekonomiya ng bansa. Ang ilan sa mga ito ay may kinalaman sa Balance of Payments, Exchange Rates, Foreign Reserves, Household Income, Standard of Living, at Purchasing Power.
Ipinarating ni Moreno na magiging prioridad niya ang pagpapaunlad sa mga serbisyo upang matignan ang kalagayan ng ating mga OFWs. Hindi lamang sila nakakatulong sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa buong bansa. Ang hangarin ni Moreno ay masuklian at maibalik sa kanila ang mga bunga ng kanilang pagsasakripisyo.