Nang isinilang si Baby Jude, hindi na niya Makita ang sarili sa salamin!

Nawala umano ang self-conidence ni Janella Salvador matapos nitong isilang si Baby Jude.
Aminadong ‘struggle is real’ talaga ang pagiging isang mommy, na hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwalang may anak na talaga siyang nakaabang lang sa kalingang mabibigay niya bilang ina.
Ani ni Janella, “I wouldn’t say I got fully depressed, but there are many times until now that I have to remind myself that, ‘Hey, you gave birth to a human, that’s pretty amazing, that’s pretty hard.’”
Idinagdag niya, “Nawala lahat ng vanities sa katawan ko. Like when I look in the mirror, I don’t really see myself anymore.”
Nagsimula naman na raw mag-workout si Janella at sa free time niya’y nagpa-pamper siya sa sarili panlaban sa stress ng pagiging isang mommy.
Mensahe pa ni Janella noong Mother’s Day, “There are no words to perfectly describe what being a mum is like so far – but one thing I have learned is that although I may have somehow lost myself, I gained my purpose.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.