Nanawagan ang European Union sa Pilipinas na tugunan an nangyayaring extrajudicial killings sa bansa, bigyan ng remedyo ang mga biktima, at ipanagot ang dapat managot.

Bilang parte ng bagong Partnership and Cooperation Agreement (PCA) ng European Union at Pilipinas, nananawagan ang unyon na tugunan na ng bansa ang problema nito sa extrajudicial killings (EJK) at pagbutihin ang governance na nagpapalakas sa karapatang pantao ng mga mamamayan.

Ang EU-Pilipinas PCA ang nagbukas sa unang Sub-Committee sa Good Governance, Rule of Law, at Human Rights na dayalogong isinagawa sa isang videoconference.

Ilang mga key topics na napag-usapan sa sub committee ay ang pagpapatibay ng accountability at pang-iimbestiga sa anti-illegal drug campaign ng bansa. Pinagdiinan din ang Universal Declaration of Human Rights at kung paanong ito ay isang importanteng elemento ng PCA.

Ang Sub-Committee na naitatag ang pormal na struktura na nagbabahagi ng pananaw at mga concern sa nabanggit na issue. Parehong pinagtibay ng EU at Pilipinas ang kanilang dedikasyon upang ma-promote at maprotektahan ang karapatang pantao, habang kinikilala rin naman ang pangangailangan sa ‘further action on a number of human rights issues.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *