Namatay ang isang toddler sa Quezon City matapos magsaksak ng kutsara sa isang electrical outlet.

Nagsilbing babala ang insidenteng nangyari sa isang pamilya sa Quezon City matapos mamatay ang 2-year-old na anak nila dulot ng pagkakuryente.

Ang batang hindi umano nabantayan noong panahong yaon ay nagsaksak ng isang bakal na kutsara sa malapit na extension wire.

Ayon sa ina ng bata na si Eloisa Angara, naghahanda umano siya ng gatas para sa anak. Iniwan niya ang kutsara sa isang lugar na hindi abot ng bata. “Noong bubuksan ko na ang pintuan may pumutok. Kinabahan ako, pero akala ko may nalaglag lang or what.”

Napasigaw umano ang asawa niya at nagsabi lamang na na-ground ang anak nilang si Jake.

Dinali-dali umano ng pares ang anak sa ospital kung saan sinubukang ma-revive ang bata, ngunit namatay ito kalaunan.

Ililibing si Jake Angara sa araw na ito, ika-23 ng Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published.