“Nakita na nating hindi makatuwiran ang pagtataas sa singil ng kuryente. Dapat maipakita ng ERC ang basehan ng dagdag-singil na ito!”

Hinihikayat ni Senator Risa Hontiveros ang Energy Regulatory Commission (ERC) na imbestigahan ang pinakahuling anunsyo ng pagkakaroon ng power rate hike para sa buwan ng Hunyo.

Ipinapanawagan ni Hontiveros na magbigay ang ERC ng ‘convincing’ na ulat na nagpapatunay na ang increase ay credible at acceptable bago mag-implement ng ano mang rate adjustment.

Ayon sa opisyal na pahayag ni Hontiveros, “Ang ERC bilang regulatory body ay dapat may pagkiling sa kapakanan ng konsyumer. Dapat maipakita ng ERC ang basehan ng dagdag-singil na ito.”

Ang pahayag niyang ito’y dumating matapos mag-anunsyo ang Meralco na ang residential rate nito’y tataas ng PHP 0.0798/kWh sa buwang ito. Sinisisi ng kumpanya ang increase na ito sa cost ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Idinagdag pa ni Hontiveros na, “Sa dami ng ating konsumers, milyones ang katumbas ng kalahating sentimo kada kilowatthour na dagdag-singil. Demanda hindi deadma ang nararapat na tugon ng ERC sa isyung ito.”

Para kasi kay Hontiveros, hindi dapat konsumers ang napaparusahan sa tight supply ng kuryente sa Luzon kung hindi ang mga generation companies at ang national grid operator na nakaatas sa Luzon ang managot.

Base na rin sa data galing sa Department of Energy (DoE), hidni problema ang supply dahil ang problema’y nakalatay sa kawalan ng compliance ng generating companies at NGCP sa pagsisiguro ng availability at security ng suplay na ito.

Bilang pagtatapos, nagsabi siya na, “Our consumers deserve affordable, reliable, and uninterrupted power service as mandated by the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Pinaghihirapan nila ang bawat pisong kinikita para ibayad sa bill buwan-buwan. Let’s ensure that they are getting their money’s worth.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *